Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiy...
Malaking bahagi
ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay
umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga
hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
Nahahati angsektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming),
paghahayupan (livestock), pangingisda
(fishery), at paggugubat (forestry).
•
Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay,
mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga
pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board(NSCB),
tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731
bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang
pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay,
halamanggubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani,
kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at
kalamansi.
Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay,
mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga
pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board(NSCB),
tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731
bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang
pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay,
halamanggubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani,
kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at
kalamansi.
•
Paghahayupan.
Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing,baboy, manok, pato at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sakarne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong
korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
•
Pangingisda.
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda
sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal,
munisipal at aquaculture. Ang
komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga
bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng
nasasakupan ng pamahalaang bayan.Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa
loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad
na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa
pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang
uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang),
brackish (maalat-alat) at marine
(maalat) (BOI, 2011). Sa mga ito,
ang aquaculture ang pinakamalaki ang
naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon
noong 2012. Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4 bilyon at
komersyal na may Php65,894.2 bilyon. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang
panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa
paggawa ng gulaman.
Paggugubat.
Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng
agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.
Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood,
tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga
nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan,
pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Makikita sa
Talahanayan 2 ang natamong kita ng sektor ng agrikultura para sa taong 2012.
Batay rito, ang 50% ng kabuuang ani ay mula sa iba’t ibang tanim kung saan ang
may pinakamataas na bahagdan ay palay na nasa 20%. Samantala, nasa 6% naman ang
pinagsama-samang dami ng tubo, mangga, at pinya. Ang paghahayupan naman ay
nakapagtala ng 13% kung saan ang pagmamanukan ay may 11% na bahagi. Sa aspeto
naman ng pangisdaan, mayroong 19% na kinita para sa nasabing taon.
Sa kabuuan, nakapag-ambag ang sektor ng
agrikultura ng Php1,247 bilyon (current
prices) sa buong GDP ng bansa (Php10,565 B). Ito ay malaking bagay sa
Pilipinas na may malaking populasyon at umaasa sa bigas at pagkaing nagmula sa
tubig at pagsasaka.
GNI (at current prices):
|
Php12,609
billion
|
(at
constant 2000 prices):
|
Php 7,497 billion
|
GDP (at current prices):
|
Php10,565
billion
|
(at constant 2000 prices):
|
Php 6,312 billion
|
Share of agriculture in GDP
|
11 %
|
GVA in agriculture and fishing
|
|
(at current prices):
|
Php 1,247
billion
|
(at constant 2000 prices):
|
Php 695 billion
|
Distribution by sub-sector:
|
Crops: 50%:
|
palay 20%
, corn 6%, coconut 4%, banana 5% sugarcane 2%, mango 2%, pineapple
2%, others 9%
|
|
Livestock:
13%
|
|
Poultry:
11%
|
|
Fishery:
19%
|
|
Agricultural
activities and services : 7%
|

